Breaking

Luis Manzano nagpapansin kay Maine Mendoza, feeling Justin Bieber din ang peg!


MANILA, Philippines (Pinoy Thinkings November 26) — Feeling Justin Bieber si Luis Manzano nang mag-reply sa tweet ni Maine Mendoza. Certified fan ni Bieber si Maine at isa siya sa kinilig nang mag-viral ang photos ng Canadian singer sa dating girlfriend na si Selena Gomez.

Sa isang tweet ni Maine Mendoza, nakasaad doon ang pakikinig niya ng kanta sa isang album ni Justin, "Hayyy... Kilig throwback feels!" habang kasama ang cover ng album ni Justin Bieber.

Agad naman nagpapansin si Luis Manzano ng, "Thanks for the support ha," kasama ang kaparehong album cover na nasa Twitter ni Maine Mendoza.


Samantala, abangers na naman ang fans ng Phenomenal star pati na ang AlDub nation sa ibinalita ng manager niyang si Rams David na lalabas si Maine Mendoza sa isang episode ng "Daig Kayo Ng Lola Ko".

Wala pang detalye tungkol dito pero for sure, Pamaskong handog ito ng nasabing weekly fantasy program ng GMA Network.

No comments:

Powered by Blogger.