Breaking

PANGULONG DUTERTE 2025 PA RAW MATATAPOS ANG KANYANG TERMINO, SA WAKAS!


Maari umanong mapalawig hanggang 2025 ang termino ni Pangulong Duterte sa oras sa maisapinal at mapagtibay ang federal form of government sa Pilipinas.

Sinabi ni Lito Lorenzana, pangulo ng Centist Democracy Political institute (CDPI), sa media briefing sa Malacanang na batay sa kanilang planong timeline, pangungunahan ng Constitutional Assembly (Con-Ass) o Constitutional Convention (Con-con) ang pag-amyenda sa Saligang Batas at maaring mapagtibay sa February 2019 plebiscite.

Ayon kay Lorenzana, pagdating ng May 2022 maisasagawa na ang kauna-unahang parliamentary elections sa ilalim ng bagong Federal Constitution para bubuo ng unicameral parliament na may terminong limang taon o hanggang 2025.


Kaya sa bagong porma ng gobyerno, maari umanong ipagpatuloy ni Pangilong Duterte hanggang 2025 ang kanyang dual presidential role bilang head of state at head of government na siyang mangunguna sa unicameral parliament.

Pero dahil sinasabi raw ng Pangulo na bababa siya sa pwesto pagdating ng 2022, hahalal ang pariamento ng bagong Pangulo para ipagpapatuloy ang natitirang termino ni Duterte sa ilalim ng federal government.

Pagdating ng 2025, magkakaroon ng second regular parliamentary elections na may limang termino hanggang 30 at dito magkakaroon na ng bagong Prime Minister at bagong Pangulo ang bansa.

Inihayag ni Lorenzana na kanilang isusumite ang kanilang panukalang amyenda sa 1987 Constitution sa bubuuing 25-man commission ni Pangulong Duterte sa susunod na mga araw.

No comments:

Powered by Blogger.