Breaking

Joey de Leon, gustong maging ninong sa kasal nina Alden at Maine

\
MANILA, Philippines — Kung mauwi man sa totohanan ang pag-iibigan nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula lang sa makasaysayang 'Kalyeserye' ng Eat Bulaga, willing daw si Joey de Leon na tumayong ninong sa kasal ng dalawa.

Kung si Joey daw kasi ang tatanungin, gusto rin niyang magkatuluyan sa totoong buhay sina Alden at Maine dahil naniniwala siyang bagay ang dalawa. Sa katunayan, lagi raw niyang kinukulit si Alden kung meron na nga bang something sa kanila ni Maine. Which is sinagot naman kaagad ni Alden na meron umano.


Sa isang panayam sinabi ni Joey na botong-boto sila kay Maine para kay Alden, at feeling niya, wife material din ang dalaga. Hindi rin man daw ito dehado sa "manok" nila dahil alam naman ng buong mundo kung gaano kabait at karesponsableng lalaki ang Pambansang Bae.

"Sana magkatuluyan para matuwa lalo ang AlDub Nation. At kung makasal, lahat kami magni-ninong. Kahit hindi kami kunin, mag-a-apply kami!"

Ayon naman kay Joey de Leon, sa maniwala kayo't sa hindi, hindi na raw nila masyadong iniintindi ngayon ang pagiging record breaker ng Eat Bulaga,



"Yung mismong venue (Philippines Arena), world record na, e. Pero hindi na namin pinapansin 'yang mga world record. Ang importante sa amin, masaya yung mga tao."

How about kayo mga AlDub Nation, papayag ba kayong magkatuluyan ang dalawang Phenomenal loveteam natin na talaga totohanan na talagang magsasama sa pamhabang-buhay at walang iwinan? Kindly comment your reaction and opinion in the comment box below.

No comments:

Powered by Blogger.