Breaking

Maine Mendoza Praised an International Designer 'Michael Cinco'


MANILA, Philippines — Pinuri ng international designer na si Michael Cinco si Maine Mendoza sa gawa nitong damit na isinuot ng Phenomenal star sa premiere issue ng online publication na Rank Magazine.

Inilahad ng Dubai-based designer ang tuwa niya sa pagsuot nito sa isa sa kanyang mga creations nitong nakaraang araw sa Instagram.


"The very beautiful phenomenal star MAINE MENDOZA @mainedcm wears a stunning couture lace dress with heavy embroidery on top RANK magazine editorials..." bahagi ng caption ni Cinco.


Sinegundahan naman ng ilang netizens ang papuri na 'yon ni Michael Cinco na impressed din sa OOTD ng idolo sa fashion shoot.


Samantala, abangers na ang AlDub Nation sa book signing ni Maine na "Yup, I am That Girl" sa isang mall sa Quezon City. Ngayong Sabado naman sa Eat Bulaga, mapapanood na ang telemovie nila ni Alden Richards na "Love Is..." bilang handog sa unang anibersaryo ng 'kasal' ng dalawang loveteam at second year naman ng selebrasyon ng 'tamang panahon' mula sa Kalyeserye ng noontime show.

No comments:

Powered by Blogger.