Breaking

Alden Richards at Maine Mendoza kasal sa Vatican pinaplano na


MANILA, Philippines — Dahil sa sinabi ni Alden Richards na sa Rome niya planong magpakasal, ngayon pa lang pinaplano na ng mga fans nila ni Maine Mendoza ang kasal nila.

Nakakatuwang mabasa ang mga comments, postings, sa Instagram ng photos ni Alden, na may message at pa-caption na...

"This handsome guy wants to get married at The Vatican. Accordingly, it takes a year or more for the application to be approved," sabi ng isang Instagram account owner na para lang kina Alden Richards at Maine Mendoza.

"If he prepares now, their marriage could be on their 200th weeksary onwards. Hahaha, as if we hold their future. Just wishing. #TeamHopefulFans #aldubnation," sabi pa ng isang Instagram account owner sa post na 'yon.

Pero dahil sa Instagram post na 'yon mamamangha ka talaga sa mga kasunod na kwento pa ng mga fans nina Alden at Maine.

Sabi ni norlex1113, "Last year galing na si Alden doon meron siyang na-meet na priest, tapos Filipino embahada naman nila na nandoon siya pinatawag siya picturan nga sila baka matulungan siya sa mga papers balak niyang magpakasal."

Ang winner, 'di ba? May mga tumutulay na o gumagawa ng tulay, na just in case nga kailangan ni Alden na mag-apply na, may mga contact na siya sa Rome na pwede niyang maaasahan.

Heto pa ang chika naman ni @bicaiberto, "Last year pa raw siya nag-apply. Pwede ba 'yun kahit 'di niya kasama si Menggay? Just hopeful not to be hopia."

Oh, may paganu'n na, 'di ba? Pero at least, malinaw ang sabi niya na hopeful siya na hindi maging hopia ang kasalan.

Anyway, 120th weeksary pa lang ng AlDub love team at malayo pa ang 200th weeksary nila, pero sabi nga ng hopeful fans, may malaking ipon na sina Alden at Maine kaya pwede na ang kasalan.

At isa pa, nasa tamang edad na sila. Pero again, ang lahat ay inaasam pa lang nila, na nabubuo sa kanilang mga utak, at sina Alden at Maine lang, o wala na kahit sino, ang pwedeng gumawa ng paraan para maibigay ang hiling nilang lahat.

No comments:

Powered by Blogger.