Breaking

MUST READ: Aktor na si Alden Richards may matinding problemang pinagdaraanan?


Ayon sa source ng / bandera.inquirer.net

Kung propersyonalismo ang pag-uusapan ay maaring artistang puwedeng kumuha ng seminar sa Pambasang Bae na si Alden Richards. Nasa tamang oras ang lahat ng ginagamit na relo ng guwapong aktor.

Hindi siya nale-late sa kanyang mga commitment, hindi rin uso kay Alden Richards ang kung ano ang kanyang mood, ginagawa niya ang kanyang trabaho dahil 'yun ang tama at kailangan.


Kuwento ng isang kaibigan naming nakakita kay Alden Richards sa backstage ng Eat Bulaga, "Very professional siya talaga. Pero nu'ng minsan e, awang-awa ako sa kanya. Ubo siya ng ubo sa backstage, hatsing ng hatsing, hindi maganda ang pakiramdam niya."

"Pero nu'ng tawagin na siya para mag-work, parang okey na okey siya, hindi mo mararamdaman na he's not feeling good, nagho-host pa rin siya," Napapailing ng impormasyon ng aming source.


Sa sobrang higpit ng kanyang schedule na halos wala na siyang panahon para sa kanyang sarili ay agapan sana ni Alden at ng mga tao sa kanyang paligid ang kanyang kalusugan.

Wala siyang kumpletong tulog, walang pahinga ang kanyang katawan, 'yun ang pinakamalakas na imbitasyon sa pagkakasakit, iisa lang ang kanyang katawan, kapag bumigay 'yun ay matinding problema ang haharapin niya, kaya ngayon pa lang ay kailangan nang magdobleng-ingat ang aktor na si Alden Richards.

No comments:

Powered by Blogger.