Breaking

ER Ejercito Galit na Galit, Babarilin Daw Niya Ang Dating Pangulo na si P-Noy sa Ulo


MANILA Philippines --- Dating Gobernador ER Ejercito inis na inis kay P-Noy, sobrang napapapansin ang aktor-pulitokong ito, palibhasa'y wala na siya sa sentro ng aksyon, palibhasa'y gustong-gusto na niyang magbalik sa puwesto pagkatapos niyang  matalo nang milya-milya sa kanyang kalaban sa probinsya ng Laguna.

Ewan kung ano'ng nakaing ng action star nu'ng araw na yun kaya buong-ningning niyang ipinagmayabang na kapag nagkita raw sila ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay babarilin niya ito sa ulo.

Tama, hindi niya babarilin si P-Noy sa paa, hindi sa braso at sa iba pang parte ng katawan nito na puwede pa itong mabuhay. Talagang madaling sinabi ni dating Gobernador ER Ejercito na sa ulo niya ito babarilin.

Napakayabang na komento, Ngayon lang kami nakakita ng Politikong ipinagbabanduhan pa ang kanyang plano. Napakaraming bwesit na bwesit sa Politikong ito, humilahod sa pagkatao nu'ng nakaraang eleksiyon sa kanyang probinsiya.

Kung hindi ba naman. Pati ang kanyang anak mismo ay kinalaban niya, hindi man lang ba niya naisip na sa ganu'ng desisyon ay mhahati ang kanilang boto. Kaya ano ang nangyari? Pareho silang talo.

Hindi maganda sa panlasa ang ganu'ng pagkahambog. Matindi man ang galit niya sa dating pangulo ay hindi hinihingi sa isang edukado at marespetong lipunan ang kanyang pagbabanta.

Parang nakikita na namin ang pagkalugmok ulo sa kangkungan ni dating Gobernador ER Ejercito sa muli niyang pagtakbong tagapagmuno ng Laguna sa 2019.

Source: BANDERA

No comments:

Powered by Blogger.