Alden and Maine telemovie is also dedicated to the Lolo and Lola's
Mapapanood ng ang Love is... sa October 21, sa Eat Bulaga mismo.
At ang tanong lang ng mga fans nila, tuwing Sabado na ba ay may ganung drama na sina Alden at Maine? Kung oo raw, okay lang na wag munag mag-teleserye ang dalawa, dahil sulit na nga naman sila na mapapanood ang mga idols nila sa Eat Bulaga na umaarte, at nagpapakilig.
Pero, nakaka-touch mabasa ang mga mensahe ng mga fans nina Alden at Maine, lalo na 'yung mga senior citizen na. Na dahil daw sa bagong project na ito nina Maine at Alden, nadagdagan na naman ang buhay nila.
May rason na naman daw para tumawa sila, matuwa nang husto, at siyempre, kiligin na rin, kahit na sabihin pang mga oldies na sila.
Ito nga ang pinakahihintay nilang pagkakataon, at sa direksyon ni Adol Alix Jr., sigurado raw an mabubuhay talaga ang mga dugo nila.
Kamakailan nga, sobrang nagwawala na ang mga fans ng dalawa, dahil nawala na nga raw ang Kalyeserye, wala pang movie, wala pa ring teleserye sa GMA. Malungkot daw ang buhay nila, na ang mga mahal na mahal nilang mga iniidolo, na nagpapabuhay sa mga dugo nila, hindi na nila masyadong nakikita.
kaya sa Sabado, asahan na agad na mangangabog na naman ang AlDub sa Twitter. Mahirap tapatan ang init ng pakiramdam nila, na nakahanda na ang Twitter party nila.
Magaganap kaya ulit ang nangyari noon, na umabot ng milyong-milyong tweets para sa dalawa? Abangan nalang natin.
No comments: