Breaking

AlDub telemovie na 'Love Is...,' trending sa buong mundo


MANILA, Philippines — Umani rin ng papuri kina Alden Richards at Maine Mendoza sa mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino ang telemovie na ito.



Maganda ang naging pagtanggap sa highly-anticipated telemovie nina Alden at Maine na pinamagatang 'Love Is...'



Nag-trend ang official hashtag nitong #ALDUBxLoveIs sa microblogging site na Twitter — itoang number one trending topic sa Pilipinas at number two naman sa buong mundo.


Nag post rin si Maine Mendoza sa kanyang Official Facebook page 48 minutes ago, bago namin na kuha itong litrato.


Umikot ang kwento sa depression na naranasan ni Vivenne, ang karakter ni Maine Mendoza at kung paano siya inunawa ng mga taong nakapaligid sa kanya tulad ng kanyang mga magulang at ni Marco, karakter ni Alden Richards.

Umani naman ng papuri ang mag-asawa at kapwa mga aktor na sina Nonie at Shamaine Buencamino ng gumanap bilang Tatay Romano at Nanay Aurora, mga magulang ni Vivienne.


Humanga ang mga netizens sa tapang ng dalawa na tumanggap ng ganitong proyekto tungkol sa mental health matapos ang suicide ng kanilang anak na si Julia noong 2015.





Ang 'Love Is...' ay ang unang telemovie nina Alden Richards at Maine Mendoza. Ang award-winning filmmaker na si Adolf Alix Jr., ang nagsilbing director nito.

No comments:

Powered by Blogger.