Breaking

Pangulong Duterte, makikipag-usap pa rin sa mga NPA figthers


MANILA, Philippines — Hindi pa isinarang tuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap sa Communist Part of the Philippines, New People's Army, National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.


Sa talumpati kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglulunsad ng Cagayan de Oro bilang 7th Domestic Hub ng isang Airline Company ay sinabi ng Pangulo kabilang sa mga problemang kanyang kinakaharap ay ang NPA at kailangan niya itong kausapin.


Bukod pa aniya ito problema sa terorismo sa pangunguna ng ISIS o and idolohiya nito pati na ang operasyon ng iligal na droga na isa talagang malaking problema sa bansa.




Matatandaan na makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw na niyang makipag-usap sa mga rebelde dahil wala namang patutunguhan ito.




Taliwas naman ito sa pahayag ni Government Peace Panel Chief at Labor Secretary Silveste Bello III na hindi parin tuluyang pinuputol ang posibilidad na pakikipag-usap sa mga rebelde.

No comments:

Powered by Blogger.