Breaking

Kylie Verzosa, May Gusto kay Alden Richards, AlDub Nation Sobrang Galit sa Dalaga!



Kinuyog ng bashers ang out going Miss International na si Kylie Verzosa sa pahayag niyang si Alden Richards ang gusto niyang makasama kung sakaling pasukin niya ang pag-aarte.

Ipinahayag ito ng beauty queen nang ma-interview siya sa 24 Oras nitong nakaraang mga araw. Bukas raw si Miss International Kylie Verzosa na pasukin ang showbiz pagkatapos ng kaniyang title reign.

Sinabi ito ni Kylie sa panayam ni Cata Tibayan sa 24 Oras, noong Huwebes.

"I'm open to it and we may have plans, pero we will talk about it pa," aniya.

Pero sino naman kaya ang type na leading man ni Kylie kung sakali?

"I like Alden, he is very good actor," ani Kylie, na tinutukoy si Alden Richards.

Huling nagpakita-gilas sa acting si Alden sa GMA News and Public Affairs special na "Alaala," na tungkol sa human rights violations noong Martial Law.



Umiral siyempre ang selos sa AlDub Nation na ayaw paghiwalayin ang loveteam nina Alden at Maine Mendoza, may mga nagsabi kay Kylie na hanggang pangarap na lang 'yon sa kanya. Dahil si Alden Richards ay para lang sa idolo nilang si Maine Mendoza.

Na kesyo hinding-hindi mapupunta sa ibang babae si Alden, kahit na beauty queen pa ito. Para sa kanila, hinding-hindi mangyayari 'yon, kaya itigil na raw ni Kylie ang paghahangad niyang makapareha si Alden.

Ang bigay naman diba? Ang harsh nila kay Kylie.

Well, dinepensahan din naman ni Kylie ng kanyang followers ng panlalait sa kanya ng ilang fans ng AlDub, giit nga nila, dapat magpasalamat ang kampo ni Alden na siya ang napili ni Kylie, na isang international beauty queen.

Anyway, kaysa tugunan ang mga basher niya, sa huling post sa Instagram ng Miss International, eto ang caption niya, "I found peace in your violence. TV guesting today."

Taray, diba? pang beauty queen pa rin talaga ang sagot. Ano masasabi niyo?

No comments:

Powered by Blogger.