Trillanes Inilibas Na Sa Senado Ang Ebidensya Niya Tungkol Sa Tagong Yaman Ni Pres. Duterte
MANILA, Philippines - Sa inabangang paghaharap sa BPI-Julia Vargas, bitbit ni Sen. Antonio Trillanes IV ang affidavit kung saan nakalahad kung paano niya nalaman na may tinatagong yaman si President Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa affidavit na may lumapit sa kaniyang dating taga suporta ni Duterte na nagpakilalang Joseph De Mesa.
Aniya ibinigay sa kaniya ni De Mesa ang impormasyon tungkol sa bank accounts ni Duterte at ng kaniyang anak na si Sara sa BPI-Julia Vargas branch at isa pa sa EDSA Greenhills branch, gayun din sa BDO-Unibank sa Mandaluyong City.
Naglalaman umano ang bank accounts ng "hundreds of millions, if not billions" na dinepositohan o inilipat sa ibang account sa mga nakaraang taon.
Sa paghaharap ni Trillanes at abogado ni Duterte ay nadismaya ang senador dahil account balance lamang ang hinihingi ang mga transaksyon.
"Wala silang binigay (bank transactions), ang hinihingi lang nila sa banko ay account balances hindi po 'yung transaction history," wika ng senador.
"Ang binuksan account balance siyempre na-withdraw na nila 'yan lang ang ipapakita nila," dagdag pa niya.
PANOORIN NIYO ANG VIDEO:
No comments: