Breaking

Ryzza Mae Dizon, sobrang yaman na talaga kahit bata pa ang ganda ng bahay!


MANILA, Philippines — 2012 Little Miss Philippines Ryzza Mae Dizon o mas kilala sa tawag na "Aling Maliit", ay isa na sa mga may magandang bahay dahil sa pagkapanalo nito noong nakaraang limang taon sa Little Miss Philippines pageant dahil diyan malaki na ang pinagbago ng kanyang buhay ng kanyang pamilya.


Kasama na dito ang kasikatan, tagumpay ng buhay at kanyang mga pangarap na natupad na. Kaya naman narito ang iilan niyang pinaghirapan, ang kanyang three-storey town house sa Tandang Sora sa Quezon City.



Ang kanyang three-house ay inayos ng kanyang ina dahil nung binili ito ay hindi pa ito tapos.

Sabi pa ni Ryzza Mae, ang kanyang Ina ay sobrang busy sa panahon na tinatrabaho ang kanilang bahay siya mismo ang nagde-disenyo at bumili ng mga materyales para sa kanilang magiging bahay. Ang lahat ng pagod ng kanyang Ina ay nag-bunga ng magandang kinalabasan.

Ang sala at dining area ay may kulay na gray at dark na mga furniture kung saan sobrang gandang tignan at madali lang ito linisin dahil ang mga dumi ay naka-tago lamang.





Ang room ni Ryzza Mae ay napaka-kulay parang buhay niya na sobrang ganda. Ang mga kulay nito ay pink, green at yellow.


No comments:

Powered by Blogger.