Breaking

Maute at Hapilon Bibigyan pa rin ng Disenteng Libing, Ayon sa 'AFP'


MANILA, Philippines — Sa kabila ng paghahasik ng karahasan sa loob ng halos limang buwan na nauwi sa pagkamatay ng mahigit 1,000 katao sa Marawi City, bibigyan pa rin ng disenting libing ang napatay na lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sina Isnilon, lider ng Abu Sayyaf Group (ASG), at Maute, pinuno naman ng Maute Group, ay napaslang nga ng mga Militar sa isang operasyon nitong nakaraang Lunes, ika-16 ng Oktubre.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Ano, ang dalawang bandido ay ililibing alinsunod na rin sa tradisyon at kaugalian ng mga Muslim.

Ganunpaman, hindi umano nila maaaring sabihin kung saan ililibing sina Hapilon at Maute upang hindi gawing simbolo ng 'marytdom' ng mga tagasunod nito ang kanilang mga puntod.


"The bodies will be buried according to Muslim rites. We won't disclose the location because we don't want their sympathizers to make this symbol of marytdom," ani ni Ano sa isang press conference.

Kinumpirma rin ni Ano na si Omar Maute ay napatay ng isang sniper habang si Isnilon Hapilon naman ay napatay sa engkuwentro.

Ayon naman kay AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, ang pagkasawi ng dalawa ay maituturing na isang 'turning point' sa limang buwan bakbakan sa Marawi na nagsimula noong Mayo 23 taong kasalukuyan.

"These two leaders have been focal personalities of this fight. Ngayon wala na sila, leaderless na sila, may foreigners pero ang Pilipino kasi magga-gravitate sa leadership ng Pilipino," paliwanag ni Padilla.

Source: Bombo Radyo, Inquirer, CNN Philippines

No comments:

Powered by Blogger.