Breaking

Alden Richards may ibang ka-loveteam pala sa Magpakailanman, AlDub Nation ano kaya ang reaksyon?

MANILA, Philippines (Pinoy Thinkings November 23) — Hindi pa nga ipinalabas ang bagong dapat aabangan ng AlDub nation sa Magpakailanman agad na itong nagalit dahil raw sa 'di umano pagsabi agad na may ibang ka partner o ka loveteam si Alden Richards doon.

AlDub fans are very demanding na dapat daw ay si Maine Mendoza nalang ang napiling maging love interest nito sa Magpakailanman na ipapalabas ngayon Sabado, November 25.


Nilinaw na ng ka-love interest ni Alden Richards na wag daw mag-alala ang buong AlDub nation dahil trabaho lang daw naman ang ginawa nito at siniguro niya na naka-focus daw daw ang paglabas sa character na ginampanam ni Alden bilang sundalo, eto ay dedicated para sa mga sundalo sa Marawi.

Kaunti nga lang daw ang exposure sa nasabing babae na kanyang ka-love interest.

Sabi pa niya nirerespeto daw niya ang AlDub nation lalong-lalo na rin kay Maine Mendoza subalit wala daw magagawa ang babae dahil siya ang piniling gumanap na ka-love interest kay Alden Richards.

Dagdag pa niya hindi naman daw love story itong episode nila sa Magpakailanman ngayong Sabado, tungkol daw ito sa mga kabayanihan ng mga sundalo. Trabaho lang daw ang ginagawa niya kaya wag daw magagalit sa kanya.

Samantala, matagal ng alam ng buong AlDub nation na hindi magkasundo-sundo ang management ni Alden at Maine pagdating sa hatian dahil magkaiba sila ng company o agency na pinanggalingan kaya naman hirap na hirap ang dalawa na magkasama sa iisang proyekto o teleserye.

Kung meron daw dapat sisihin ito ay ang mga humahawak kina Alden at Maine, hindi ang mga taong nagtatrabaho lamang gaya ng babae na ito na gumanap bilang ka-love interest ni Alden sa nasabing episode ng Magpakailanman ngayon darating na Sabado.

No comments:

Powered by Blogger.