Breaking

Jason Abalos nais makasama ang Phenomenal Star Maine Mendoza

MANILA, Philippines (Pinoy Thinkings November 23) — Sinabi ni Jason Abalos at inamin niyang nais niyang makasama ang Phenomenal star na si Maine Mendoza sa kahit anong proyekto. 


Sa katunayan habang iniinterview siya ni Arnold Clavio sa show nito na "Tonight With Arnold Clavio", may portion doon na pinapili siya ng larawan at ayon na nga, dali-dali niyang pinulot ang larawan ng Phenomenal star at hinarap sa camera na napili nito.

Nang tinanong na siya ni Arnold Clavio kung bakit si Maine Mendoza ang napili niya. Sabi niya, "Feeling ko lang kung kasama ko siya hindi siya mauubusan ng kwento balita ko pala kwento daw siya kaya siya yung napili ko yung tipong hindi kami mauubusan ng topics."

Samantala, nagpasalamat naman ang AlDub nation sa papuring ibinigay niya kay Maine Mendoza at sinagot naman nila ang tanong kung sila raw ang tatanongin ng kaparehang tanong, ay nais din nilang makasama si Maine Mendoza dahil masarap daw itong kasama sa taping.

Gayunpaman, hindi naman maiwasang maalala ang nakaraang issue kay Jason Abalos noon na pilit inuungkat sa scandal videos noon.

No comments:

Powered by Blogger.