Breaking

Alden Richards naghost pero taga It's Showtime ang kasama niya na sina Karylle at Ryan Bang

MANILA, Philippines (Pinoy Thinkings November 20) — Nakasama ni Alden Richards sa isang event ang dalawang It's Showtime host na sina Karylle at Ryan Bang, naghost ang tatlo noong November 18.


Ayon kay Alden Richards isa umanong pleasure na makasama ng Kapamilya host dahil mababait naman daw ang mga ito sa kanya. Nagka-bonding pa nga sila sa nasabing event at lumabas nga ang kakulitan ni Ryan Bang.

Hindi raw nila iniisip na magkalaban ang mga show na pinagtatrabahoan nila.

Ito'y kahit na pilit na pinagtatapat sila, ayon naman kay Alden Richards natuwa siya ng malaman na naimbitahan siya sa event na ito.

Samantala, duda parin ang mga AlDub fans kung si Alden Richards ba talaga ang na-hulicam na kumukuha ng larawan kay Maine Mendoza sa gilid ng stage sa isang fashion show ng isang sikat na clothing brand ang Bench.

Ang iba ay nagsasabi na hindi raw 'yon si Alden, samantalang ang ibang AlDub fans naman ay naniniwala na si Alden Richards daw umano yung nakikita nila doon sa gilid ng stage sa SM Mall of Asia Arena na kung saan doon ginanap ang event ni Maine Mendoza.

No comments:

Powered by Blogger.