Breaking

Maine Mendoza tinawag na 'Star of the Night' sa MOA fashion show

MANILA, Philippines (Pinoy Thinkings November 20) — Nasukat sa fashion show ng Bench ang popularidad ng mga artista, base sa reaksyon ng manonood nang maglakad sila sa massive stage ng Mall of Asia Arena.


Naghiyawan ang mga tao at malakas na palakpakan ang ibinigay nila kina Richard Gutierrez, Maine Mendoza, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Dominic Roque, Winwyn Marquez at ang World's Hottest Math Teacher at Italian model na si Pietro Boselli.

Hindi maipagkakaila na si Maine Mendoza ang 'Star of the Night' dahil sa audience pandemonium sa grand entrance nito.

Pinuri ang kind gesture at pagiging gentleman ni Richard Gutierrez nang kunin niya ang kamay ni Maine Mendoza para gumitna ito sa entablado o stage.

Samantala, agad din namang nagpost ng pasasalamat si Maine Mendoza sa Twitter para sa mainit na pagtanggap niya doon sa nasabing event.


"Omg thank you very much for the support guys! This is so surreal! Pero hiyang hiya ang tyan kong malaki. #wapakels #MAINExBenchUnderTheStars #Bench30Years".

No comments:

Powered by Blogger.