Breaking

Ang Bagong Achievement ni Maine Mendoza, Viral ngayon sa Social Media!


MANILA, Philippines — Hindi kataka-takang masusungkit ni Maine Mendoza ang ganitong titulo. Na bihira lang masungkit ng ilang mga Author sa larangan ng pagsusulat. Tila lumikha ng bagong kasaysayan si Maine Mendoza sa larangan ng pagsusulat.

Ito ay dahil wala pang isang linggo ng i-release ang kanyang libro ay best selling book na agad ito sa pangunahing book stores. Nanguna ito sa "Top 10 Best Seller" for October 2017.

Unahan ang mga fans sa pagbili dahil pahirapang makahanap nito sa mga bookstores dahil panay sold out ito.

Matatandaang noong October 26, 2017, ay ini-release ni Maine Mendoza ang kanyang kauna-unahang libro na talaga naman pinilahan at blockbuster ang peg nito.


Nagmistula pang sardinas ang venue dahil sa sobrang sikip at bungguan ng mga tao sa dumagsa sa Trinoma Activity Center.

Hanggan ngayon ay 'di parin makapaniwala si Maine Mendoza sa kanyang mga achievement na natanggap at hindi niya raw sukat akalain na magagawa niya ito, ang isa sa kanyang mga pangarap ang maging isang Author ng kanyang sariling libro.

Dahil sa kanyang tagumpay sa pagiging Author ay proud na proud ang kanyang mga taga-hanga.

Source: ALDUBABLE

No comments:

Powered by Blogger.