Breaking

LOOK: Eat Bulaga co-hosts wearing Halloween costume


MANILA, Philippines — Kanya-kanyang paandar ang Eat Bulaga Dabarkads o co-hosts ngayong Halloween. Marami ang naaliw sa kanilang mga kasuotan, kabilang ang AlDub love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa pagsuot ng nakakatakot na Halloween costume.

Si Allan K nagbihis bilang si "Edward Scrissorhands", ang bida sa American romantic dark fantasy movie ni Tim Burton.


Samantala, ang nakakakilabot na creature sa nobelang "IT" ni "Stephen King" na si Pennywise ang costume ni Ruby Rodriguez.


Si Maine Mendoza naman ang "Bride of Chucky". Habang si Alden Richards nagdamit bilang si "Ichigo Kurosaki", isang karakter sa manga series na Bleach.



Ang young Concert Prince na si Baeby Baste ay nakakatakot pero cute na miyembro ng Addams family na si "Pugsley Addams" habang si Ryzza Mae Dizon ay ang creepy mini-me ni Eat Bulaga creative exec Ms. Jenny Ferre.



Ano ang masasabi niyo sa mga kasuotan nila sa Halloween? Alin ang gusto mong Halloween costume na sinuot ng Eat Bulaga Dabarkads/co-hosts, ibahagi ang iyong komento dito at opinyon saaming comment box sa ibaba.

No comments:

Powered by Blogger.