Breaking

US President Trump, excited makita at makausap si Pangulong Duterte


MANILA, Philippines — Excited na umano si U.S. President Donald Trump na makita at makausap si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita niya sa bansa para sa ASEAN Summit.

Ayon sa isang senior administration official ng White House — inaasahang magkakaroon ng prangka at mainit na bilateral talk ang dalawang lider.

Darating sa bansa si Trump sa November 12 para dumalo sa special gala celebration ng 50th anniversary ng ASEAN.

Kasunod na inanunsyo ni Trump na mas lalong higpitan pa umano ang Immigration program, na iniutos niya sa pangyayari kamakailan lang sa New York truck attack.



Ito'y makaraang makapasok sa Amerika ang ISIS symphatizer na si Sayfullo Saipov mula Ezbekistan na suspek na nangyaring truck attact sa New York City.

Kaugnay nito, pinatatanggal niya ang visa lottery program na dahilan kaya makapasok sa bansa si Saipov.

Samantala, dalawang lalaki ang patay habang isa ang sugatan sa shooting incident sa Colorado, USA. Nangyari ang pamamaril sa isang tindahan sa Suburban Denver kahapon ng umaga. Tinutugis pa ang nakatakas na suspek.

No comments:

Powered by Blogger.