Pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz, sinadya raw, base sa autopsy ng 'PAO'
Carl Angelo Arnaiz isang 19-year-old na studyante ng UP na sabi ng pulisya ay nanlaban posibleng pinahirapan bago sadyang pinatay sa 'PAO' re-autopsy.
Tinorture at sinadyang patayin ang 19-year-old na si Carl Angelo Arnaiz na nangholdap umano ng Taxi driver sa Caloocan City, ayon sa Public Attorney's Office (PAO) forensic laboratory services.
"Masasabi nating excution style 'yung ginawa sa victim at very obvious yung intent to kill. Wala kaming nakita dun sa bumaril sa kanya na gusto siyang incapacitate," ani ni Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO forensic laboratory services.
Huling nakitang buhay ang binatilyo noong Agosto 18. Pagkatapos ng 10 araw na paghahanap, natagpuan na lang ang bangkay ni Carl Angelo sa morgue sa Caloocan City.
Sa ulat ng Pulisya, nangholdap si Carl Angelo ng sinasakyang taxi sa C-3, Caloocan.
Nakahingi ng tulong ang driver at ng matiyempuhan ng mga Pulis Caloocan, nakipagpalitan umano ng putok ang binatilyo kina PO1 Jefrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.
Pero giit ng mga magulang ng binatilyo, hindi holdaper ang kanilang anak, Nagtapos umano ito bilang Valedictorian sa Elemetarya, grumaduate sa isang Science highs chool, at nakapasok pa sa UP Diliman.
"Masakit na masakit. Mahirap tanggapin 'yung ganon," ayon sa ama ni Carl Angelo na si Carlito Arnaiz.
CLICK TO WATCH VIDEO:

>
No comments: