Breaking

SEN. Trillanes, Dedma lang sa banat ni Pangulong Duterte matapos tinawag siyang "POLITICAL ISIS"


Dedma lamang si Sen. Antonio Trillanes IV sa pinakahuling banat ni Pangulong Duterte matapos siyang tawaging "Political ISIS".

"I will not stop down to his level of name-calling," Sabi ni Trillanes.


Ito'y matapos namang i-ugnay ni Trillanes ang anak ni Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo "Pulong" Duterte at kanyang manugang na si Maneses "Mans" Carpio sa P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Iginiit ni Trillanes na maglalabas siya ng ebidensiya kapag humarap na sina Duterte at Carpio sa pagdinig sa Senado.

"Hindi naman ibig sabihin sila na, 'di ba. Ako, sinasabi ko dalhin 'yung dalawa na 'yun at ibubuga ko sa kanila 'yung ebidensiya laban sa kanila," Dagdag ni Trillanes sa panayam ng dzBB.


Idinagdag pa ni Trillanes na hindi direktang galing sa kanya ang alegasyon kundi mula sa mga testigo na humarap sa Senado.

"The bottom line in this, his son and son-in-law were named as masterminds behind the Davao Group and are being suspected of being involved in smuggling operations that led to the express entry of the 6.4 billion peso shabu shipment into the country," Ayon pa kay Trillanes sa hiwalay na pahayag.

"Those are not my allegations but information extracted from Sen. (Richard) Gordon's witnesses during the hearings," Dagdag ni Trillanes.


Idinagdag ni Trillanes na hindi ito ang unang pagkakataon na sumabit si Paolo sa smuggling at ilegal na druga.

"Moreover, this is not the first time that Paolo Duterte has been involved in smuggling and illegal drugs. Way back in 2007, there were derogatory reports from the National Bureau of Invistagation (NBI), and the Presidential Anti-Smuggling Group that about Paolo Duterte's involvement in smuggling in BoC in Davao City Port," Dagdag ni Trillanes.

SOURCE: BANDERA.INQUIRER.NET

No comments:

Powered by Blogger.