Breaking

Pauleen Luna-Sotto ipinamigay ang mga Regalo sa mga Nangangailangan sa kanyang Baby Shower


MANILA, Philippines — Niregaluhan si Pauleen Luna-Sotto ng gamit pambata sa ginanap na Baby Shower niya kahapon sa Eat Bulaga. Sa halip na tanggapin ang mga 'yon, nagdesisyon si Pauleen na ibahagi 'yon sa maraming bata na nangangailangan.


Rason ng mother-to-be, marami na silang natanggap na regalo nu'ng nakaraan niyang baby shower kasama ang mga kamag-anak at kaibigan. Kaya naman regalo na niya 'yon sa mga batang higit na nangangailangan ng mga ito.



Handang-handa na sa panganganak si Pauleen sa darating na buwan. Ilang beses na siyang nakadalo sa seminars bilang bagong ina pati na ilang seminars tungkol sa parenting.


Babae ang magiging panganay nina Pauleen at Bossing Vic Sotto.

Sa pagli-leave niya sa Eat Bulaga, babalik na naman sa Lunes si Pia Guanio na inanunsyo na niya sa kanyang Instagram, patunay lang na tuloy pa rin siya sa pagiging EB Dabarkads.

No comments:

Powered by Blogger.