Pangulong Duterte, Inamin Na Nakaranas Din ng 'Hazing' at Dinala sa Hospital Dahil 50/50 Umano Ang Kalagayan
Inamin ni Pangulong Rodrigo "Roa" Duterte na dati na siyang itinakbo sa pinaka-malapit na hospital matapos sumailalim sa hazing.
Ayon kay Duterte, matapos siyang sumailalim sa hazing at umuwi kaagad siya at nagpa-ospital dahil sa massive hematoma.
Pero hindi naman binanggit ng Pangulo kung ang naturang hazing ay bahagi ng initiation rites para sa mga bagong recruit ng kanyang fraternity na Lex Talionis sa San Beda college.
Sinabi ni Duterte na mas malupit ang mga miyembro ng fraternity sa mga recruit na anak ng mga malaking personalidad.
Noong ni-recruit aniya siya ay tinanong kung siya ba ay anak ng namayapang Davao Governor na si Vicente Gonzales Duterte.
Ibinahagi ni Duterte ang kanyang karanasan sa hazing sa gitna ng panawagan laban sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na law student sa University of Sto Tomas.
"Kaya ako, three days ako umuwi kaagad ako. Pa-ospital. Massive hematoma," sabi ni Duterte habang kumakain sila ng hapunan sa mga miyembro ng media sa Davao City noong Biyernes ng gabi.
No comments: