Breaking

Maine Mendoza, Nagsalita na Tungkol sa Balitang May Malalang Sakit Umano Siya

Ang ating Phenomenal Star na si Maine Mendoza ay balita-balitang may malalang sakit raw na pinagdaraanan, dahilan kung bakit nag-alala agad ang mga AlDub fans kay Maine. May ipinost kasi sa Social Media na picture na nasa hospital umano si Maine Mendoza, bagay na ikina-bahala ng mga tagahanga nito.

May dapat ba na ipag-alala ang AlDub Nation sa pagkalat ng mga photos ni Maine Mendoza na nasa hospital ito?

May malalang sakit ba si Maine?



Well, isang simpleng medical checkup nga lang raw ang nadanap, na madalas ngang gawin ni Maine Mendoza, kasama ang nanay niya.

Walang raw sakit si Maine, at ang pagpapa-checkup ay isang regular na gawain lang na madalas nga nilang gawin, at pag-aalaga talaga sa kanilang kalusugan, dahil alam natin na si Maine araw-araw na nagtatrabaho sa industriya ng pagiging artista.

Mahirap na nga naman kasi na baka mauuwi sa sisihan ang lahat sa bandang huli. Daig nga ng maagap ang masipag.

Pero, may mga nagsasabi pa rin na halata raw sa mukha ni Maine na may dinadamdam ito. At dasal nila, na sana ay maging okay, agad ang resulta ng medical checkup na naganap kay Maine.



May mga nagsasabi na baka over fatigue ang nangyayari kay Maine. Sa sobrang busy nito, na walang pahinga, na araw-araw nasa kung saan-saang barangay sa Pilipinas napapadpad, dahil sa Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.

At bukod pa diyan., sa mga pinupuntahan niyang appointment, schedule sa gabi, kaya pwede ngang sabihin na napapagod na rin ang katawang lupa ni Maine Mendoza.

Pero, iginiit nga ng mga nakakakilala kay Maine na wala itong sakit. At isang regular checkup lang talaga ang naganap.


Pero, ang nakakaaliw sa mga fans ni Maine, dahil wala nga raw make up ang idol nila, at doon raw mas napansin nila ang kagandahan nito. Mas lumabas daw ang tunay na ganda ni Maine kapag wala itong make-up.

Kaya sa mga AlDub fans kagaya ko, wala tayong ikabahala kasi si Maine Mendoza ay walang sakit at kondisyon ang katawan niya ngayon. Bahagi lang yan sa gawain nila, kaya chill lang tayo.

No comments:

Powered by Blogger.